16/05/2026
Para sakin ang tunay na successful ay hindi lang tungkol sa pera 👊
1.May direksyon ang buhay mo – alam mo kung saan ka papunta, kahit mabagal ang takbo
2.May kontrol ka sa oras mo – hindi ka alipin ng trabaho, ikaw ang may hawak ng schedule
3.May peace of mind ka – nakakatulog ka nang mahimbing, walang takot sa bukas
4.May growth araw-araw – mas matalino, mas matatag, mas disiplinado ka kaysa kahapon
5.May napapatunayan ka sa sarili mo – hindi para sa ibang tao
6.May natutulungan ka – pamilya man o ibang tao, may naiiwan kang impact
Ang pera? Resulta lang yan, hindi sukatan.
Maraming may pera pero stress, takot, at walang direksyon.
Para sakin bro,
👉 Successful ka kapag kahit mahirap ang laban, hindi ka sumusuko at alam mong umaangat ka.