16/03/2023
Okay lang walang pera, basta buo ang pamilya!
No!
Hindi okay na walang pera. 😅
Hindi okay na walang pambili ng pagkain para sa pamilya.
Hindi okay na kahit simpleng laruan hindi natin mabili para sa mga anak natin.
Hindi okay na wala tayong magawa sa tuwing kailangan ng bagong damit, gamit sa eskwela or pamasahe man lang.
Hindi okay na wala tayong pambiling gamot sa tuwing may sakit sila.
H'wag tayong magpanggap na masaya tayo kahit kumakalam ang sikmura natin.
Ang lungkot 🥹
Kasi ang totoo, sa panahon ngayon, kailangan natin ng pera para maging masaya
Ikaw na nagbabasa nito.
Alam ko nagsisikap ka para totoong sumaya ang pamilya mo.
Yung tunay na sayang walang halong pagpapanggap na okay lang lahat. 😊
Tuloy mo lang yan!
Kapit lang, papabor din satin ang panahon! ❤️🤞🏻🙏🏻