15/01/2026
Trans ka ba na hinusgahan ng kapwa trans dahil hindi ka “passable”?
3 Tips na makakatulong sa mental health mo
1️⃣ Ihiwalay mo ang value mo sa opinyon nila
Ang “passable” ay standard ng lipunan, hindi sukatan ng pagiging tunay mong ikaw.
Hindi nababawasan ang pagkatao mo dahil lang hindi ka pasok sa idea nila ng ganda.
2️⃣ Piliin mo kung kaninong boses ang papakinggan mo
Hindi lahat ng trans na nagsasalita ay tama o safe para sa’yo.
Protektahan mo ang sarili mo
pwede kang lumayo sa mga taong mas nakakasakit kaysa nakakatulong.
3️⃣ Ibalik mo ang confidence sa sarili mo
Hindi mo kailangan magmukhang iba para maging valid.
Ang pagiging trans ay hindi performance ito ay pagkilala sa sarili.
💬 Hindi ka less trans. Hindi ka late. At lalong hindi ka mali.