30/01/2018
Dumaan sa wall ko to..
must read!!! Napakagandang tip!!
Gusto ko lang e share ang mga natutunan ko mula sa isang Chinoy na isang mayamang negosyante ng Makati, sir Fernando E. Uncle nya owner ng Yellow bus Line at mama nya owner ng car shop sa davao at marami pa silang business sa makati.
Me: Sir Fernando nice meeting u. Ano ba mga tips mo pwd magpapalaki ng business ko kasi bago pa ako dito.
Sya: Para maging successful ka sa business mo:
1. Dapat marunong kang makisama. Kasi kahit ako mayaman na pero tingin ko sa mga empleyado namin ay kaibigan at barkada ko sila. Kaya malapit loob nila sa akin at ako din sa kanila.
2. Wag kang magastos. You learn how save talaga. Wag kang bumili ng kung ano2 na hindi naman importante. Ako nga oh, isa lang sasakyan ko, yung 6 na sasakyan ko binenta ko na. Ito nlang ginagamit ko. Mag save ka talaga kahit kunti importante nakakapagsave ka.
3. Wag kang mang good time hehehe
Me: ano ibig mong sabihin sir? At napatawa kapa. 🙂
He: Wag kang mambabae. Sakit sa ulo yan. Walang kwenta yan. Yan ang sisira sa buhay mo, maniwala ka! Kasi ako nasubokan ko na yan. Uminon kami mula 9am ngaun, natapos kami kinabukasan pa ng gabi, sumakit ulo ko.
4. Wag mong haluan ng illegal ang negosyo mo. Kasi kahit na yayaman ka at maganda takbo ng business mo kapag nasa top kana sisingilin ka ng panahon at babawiin ang lahat sayo. Nangyari sa akin yan. May business ako dati na tuna from gensan, iniexport namin sa Japan, kasabayan nmin dati ay yung OM3GA sardines. Milyon2 kinikita namin dun every wk. Pero naalala mo yung tsunami sa Japan?
Me: opo
He: yun, yun ang nagwash-out ng business namin. Ubos lahat. Pati yung tito ko na sya ang nagmamanage dun sa Japan, namatay. Kaya grabe ang failures namin, ilang milyon nawala sakin.
Me: Paano mo naman na resolve yun sir?
He: Bumangon ako ulit. Kailangan kasi kapag nagbusiness ka dapat matibay at malakas ang loob mo. Kaya pinasok namin ang TRADING ng mga pyesa at makina ng sasakyan. Ayun nabawi namin lahat.
Me: wow very inspiring mga pinagdaanan mo sir. Ang dami nyong business sir no? Hindi ba kau nagcollege?
He: Actually college grad ako ah, Bus. Marketing kurso ko. Nagtrabaho din ako ng 3 taon, ok naman ang sahud kasi 15-30 may tinanggap ka kaya lang kung gusto mong umangat hindi mo magagawa kasi hanggang dun lang talaga income mo.
Me: Bakit mas pinili nyo maging negosyante sir?
He: Gusto ko kasi ng simpleng buhay lang. Yung paggising ko sa umaga kung ano ang gusto kong ulam nakahanda na, hindi yung poproblemahin ko pa. Kasi kapag namomoblema ka kahit sa ulam mo hindi simpleng buhay yan kundi survival at pahirap na buhay yan.
Eh matanda na ako, bawal na sa mga high cholesterol.
Simpleng buhay lang, yung hindi mo na problema ang monthly bills kasi bayad na. Kaya nakahanda kami kasi kung ano man mangyari sa amin meron na kami.
Me: salamat sa tips sir.
He: oo, apply mo yun. Pag nasa gensan ako kain tayo ng tuna.
Me: cge sir, ililibre ka namin, ano number mo para kokontakin kita.
He: 0917.......
is