30/05/2026
Para sa business owners na tinatraydor
na pala ng empleyado nang hindi nila alam.
Masakit aminin,
pero maraming negosyo
ang hindi nasisira
dahil sa competitors.
Minsan,
nasisira ito dahil sa
taong pinagkatiwalaan mo.
Yung empleyadong
alam lahat ng sistema mo.
Alam paano
pumasok ang pera.
Alam saan ka mahina.
Alam paano ka kausapin
para hindi ka magduda.
Habang busy ka
sa pag grow ng business,
may ibang tao
sa paligid mo
na unti unti ka
nang nilulubog.
Minsan hindi mo
agad mapapansin.
Kasi mabait sila
sa harap mo.
Masipag kapag
andyan ka.
Magaling makisama.
Pero iba na pala
ang ginagawa kapag
nakatalikod ka.
May kinukuhang customer.
May tinatagong pera.
May kinakausap na supplier
na hindi mo alam.
Yung iba,
gumagawa na pala
ng sarili nilang negosyo
gamit ang sistema mo.
Kaya bilang business owner,
kailangan marunong ka ring tumingin
sa maliliit na signs.
Kapag biglang
bumababa ang kita
pero pareho naman ang benta,
imbestigahan mo.
Kapag may empleyadong
ayaw mag leave
o ayaw may ibang humawak
ng trabaho niya,
mag isip ka.
Kapag may bagay
na kailangan laging sikreto sayo,
wag mo baliwalain.
Hindi lahat ng loyal,
totoong loyal.
Kaya importante
na may monitoring ka.
May malinaw na proseso.
At hindi puro tiwala lang.
Proverbs 27:23
“Be diligent to know the state of your flocks.”
Bilang leader,
responsibilidad mong bantayan
kung anong meron ka.
Kasama diyan
ang negosyo at mga
taong nasa paligid mo.