08/03/2025
๐ ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐๐ป๐ฐ๐ผ๐ฟ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐. ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ป๐๐ฒ โ ๐๐ป๐ผ ๐ป๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป?
๐ Certificate of Incorporation:
Ito ang nagsisilbing ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก ๐๐๐ซ๐ญ๐ข๐๐ข๐๐๐ญ๐ ng isang korporasyon na ibinibigay ng SEC. Nagsisilbi itong patunay na maaari nang mag-operate ang isang kompanya o asosasyon bilang isang korporasyon na may sariling personalidad na hiwalay sa mga founder, stockholder o miyembro nito, at may kakayahang pumasok sa mga transaksyon gamit ang pangalan ng korporasyon.
Para sa mga nagnenegosyo, entry-level permit lang ito. Kung mag-aalok ng investments o papasok sa regulated activities, hold muna โ may iba pang mga kailangan!
๐ Secondary License:
Ito na ang next level. Kinakailangan ito bago pumasok ang korporasyon sa regulated activities tulad ng pagbebenta ng securities o pag-aalok ng investments sa publiko, at pagpapautang. Hiwalay ang proseso ng pagkuha nito mula sa SEC o sa ahensiyang may saklaw ng regulated activity na nais pasukin ng korporasyon.
โ ๏ธ Ang pag-aalok ng investments o securities nang walang secondary license ay isang krimen. Pwedeng makulong, magmulta, o pareho ang mga opisyal, promoters, at agents ng korporasyon!
๐ฑ Before You Invest!
I-download ang SEC Check App at gamitin ang Check with SEC feature nito para makita kung may certificate of incorporation at secondary license ang isang kompanya. Kapag may secondary license ang kompanya, sunod na tiyakin kung ano ang mga aktibidad na maaring pasukin nito.
๐ก Always Check with SEC para iwas-scam, iwas-sakit ng ulo dahil sa peraโt negosyo, dapat lagi tayong sigurado!