26/03/2026
Minamahal naming mga Suki,
Ipinapaalam po namin na may ipatutupad po kaming dagdag-presyo sa LPG dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo nito sa merkado. Hindi man po ito naging madali para sa amin, kinakailangan po itong gawin dahil sa taas ng aming kuha sa supply.
Gayunpaman, sinikap pa rin po naming panatilihing abot-kaya hangga’t maaari ang aming presyo habang patuloy naming ibinibigay ang maayos at ligtas na serbisyo.
Sa kasalukuyan, nakakaranas din po ng limitadong supply ng LPG, kaya pansamantala po muna kaming hindi tatanggap ng reservation.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta.