06/09/2024
Walang makakapagsabi kung hanggan kailan tayo mabubuhay dito sa mundo kundi ang Diyos, kaya kung anuman ang ginagawa natin sikapin natin ito ay mabuti at nasa utos ng Diyos.
Kung ikaw ay nag-nenegosyo o sa trabaho, huwag tayo manlamang ng kapwa o magsalita ng masakit dahil labag ito sa utos ng Diyos, iwasan rin natin mandaya para umangat ng mabilis, yung may nasasaktan na pala tayo pero hindi natin napapansin kasi tayo ay masyadong sabik sa pangsariling kapakanan lamang, nakakalimutan na natin isipin ang mga tao sa paligid natin.
Ito ang paalala sa atin ni Apostol Pablo sa Colossians 3:23-24
βWhatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters, since you know that you will receive an inheritance from the Lord as a rewardβ¦β
Sa Tagalog (Colosas 3:23-24)
β Anomang inyong ginagawa, ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao; Yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay tatanggapin ninyo ang ganting mana;β¦β
Ito pa ang mga dapat natin tatandaan
Proverbs 20:19
"A gossip betrays a confidence;
so avoid anyone who talks too much."
Sa tagalog
βAng lihim ay nahahayag dahil sa mga tsismis, kaya huwag kang makisama sa taong makati ang dila.β
Sa panahon ngayon ito na ang isa sa pinaka madaling gawing kasalanan sa kapwa at sa Diyos.
Huwag tayo masyadong naniniwala sa mga chismis ng iba dahil dito nahuhusgahan narin natin ang taong nachismis nila.
Ito naman ang sinabi sa mga taong gustong gusto agad umasenso
Kawikaan 13:11
βAng kayamanang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala.β
At sa 1 Timoteo 6:10
βSapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.β
Kaya, habang tayo ay nandito sa mundo ibigin natin ang ating kapwa sikapin natin maging mabuting tao dahil lahat tayo ay may bitbit sa buhay huwag na tayo dumagdag sa mga pasanin sa mga taong nasa paligid natin, dahil sa huli magiging kwento nalang tayo, kaya ngayon palang gandahan na natin ang kwentong lalabas sa bibig ng mga tao na nakakaalala sa atin.