02/02/2025
CTO
Napansin ko sila pagsakay ng mini-bus... sabi ng bata: "Pang mayaman 'to, Pa. Aircon.
Ang lamig." Sunod na sagot ng tatay: "Kakalungin kita mamaya. Wala tayo pambayad eh."
Habang nakadungaw sa labas, sinabi ng bata na: "Okay lang yun, Pa. Malamigan lng tayo." Pagdating ng conductor, naglabas ng ID si Tatay: "PWD po. Kalungin ko na lng siya." At ang natanggap niyang sagot ay: "Okay lng yan, Kuya. Hayaan mo na. Basta napreskunan kayo." Matamis na salamat ang agad niyang sagot. ๐
Indeed, every little act of kindness can make this world a better place. Let us make it happen.
๐คณ Rodel Enriquez โจ