Sagittarius Mines, Inc.

Call Directions Website

Sagittarius Mines, Inc. SMI is the Governmentโ€™s partner in the development and utilization of the Tampakan Project.

๐’๐Œ๐ˆ, ๐Š๐š๐ญ๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ž๐ซ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐š๐ญ๐š๐ฅ๐›๐ฅ๐š๐จ ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐  ๐ง๐š ๐Š๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐š๐Columbio, Sultan Kudarat โ€“ Bilang p...
12/10/2026

๐’๐Œ๐ˆ, ๐Š๐š๐ญ๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ž๐ซ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐š๐ญ๐š๐ฅ๐›๐ฅ๐š๐จ ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐  ๐ง๐š ๐Š๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐š๐

Columbio, Sultan Kudarat โ€“ Bilang pagkilala sa mga taong patuloy na naglalaan ng oras, kakayahan, at serbisyo para sa kanilang komunidad, nagkaloob ang Sagittarius Mines, Inc. (SMI) ng honorarium assistance sa mga community health workers, g**o ng Madrasah, at daycare teachers sa Barangay Datalblao, Columbio, Sultan Kudarat noong Oktubre 5, 2026.

Layunin ng tulong na kilalanin ang mahalagang ambag ng mga community workers na tumutulong upang maging mas accessible sa mga residente ang mahahalagang serbisyo. Sa larangan ng kalusugan, edukasyong panrelihiyon, at early childhood care, mahalaga ang kanilang patuloy na paglilingkod sa pagbuo ng mas matatag at mas empowered na komunidad.

Sa kanyang mensahe, nagpaabot ng pasasalamat si Datalblao Barangay Captain Hon. Datu Zahir M. Mamalinta, Al-Hadj, para sa suporta sa mga health at education workers ng barangay.

โ€œThank you SMI for the support to our health and education workers which includes Madrasah and Day Care teachers. We hope for continuous collaboration and partnership as we go along.โ€

Ibinahagi naman ni Day Care Teacher Marcelyn S. Dabi kung paano nakatutulong ang buwanang assistance sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, kabilang na ang ilang gastusin para sa mga batang kanilang inaalagaan.

โ€œMalaking tulong itong monthly assistance sa amin, sa gastusin namin sa pamilya at minsan pati na rin sa mga kailangan namin sa mga bata sa daycare, kaya salamat sa SMI sa tulong po ninyo sa amin.โ€

Higit pa sa tulong pinansyal, kinikilala ng programa ang dedikasyon ng mga indibidwal na patuloy na naglilingkod sa kanilang komunidad araw-araw. Bahagi ito ng pagsusulong ng SMI ng responsableng pagmimina, kung saan binibigyang-halaga hindi lamang ang gawaing pang-ekonomiya kundi pati ang pangmatagalang kapakinabangan para sa mga tao at komunidad.

Sa pamamagitan ng Social Development and Management Program (SDMP) at patuloy na pakikipagtulungan sa mga lokal na stakeholder, nakikiisa ang SMI sa pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa mga pangangailangan ng komunidad at nag-aambag sa inklusibo at napapanatiling pag-unlad.

Para sa SMI, ang responsableng pagmimina ay hindi lamang tungkol sa paglikha ng halaga mula sa likas na yaman. Kasama rito ang pagsuporta sa mga taong naglilingkod,

pagpapalakas sa mga komunidad, at pagbuo ng mga pakikipagtulungan na maaaring magdulot ng pangmatagalang positibong pagbabago. (30)








MGB Soccsksargen
DENR Soccsksargen
National Commission on Indigenous Peoples - Region XII
Municipal Government of Tampakan
Municipality of Malungon
Lgu Columbio SulKud

TINGNAN. Bilang isa sa mga naging benepisyaryo ng SMI Educational Assistance Program, bahagi si Jessah P.  Avila sa mga ...
08/10/2026

TINGNAN. Bilang isa sa mga naging benepisyaryo ng SMI Educational Assistance Program, bahagi si Jessah P. Avila sa mga kabataang binigyan ng pagkakataong maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa isinagawang Undertaking Signing at IEC Activity noong October 4, 2026, muling pinagtibay ni Jessah kasama ang iba pang mga iskolar at kanilang mga magulang o legal guardians ang kanilang suporta at commitment sa programa, kabilang ang pagtupad sa mga responsibilidad at alituntuning kaakibat ng educational assistance.

Sa patuloy na pagtutulungan ng Barangay Tablu, SMI, mga magulang, at mga iskolar, mas napapalakas ang suporta para sa edukasyon ng kabataan. Habang papalapit ang Tampakan Project tungo sa commercial operations nito, makakaasa komunidad na mas marami pang mag-aaral at pamilya ang mabibigyan ng oportunidad sa pamamagitan ng mga programa at proyektong bahagi ng Social Development and Management Program (SDMP), tungo sa mas magandang kinabukasan para sa komunidad.








MGB Soccsksargen
DENR Soccsksargen
National Commission on Indigenous Peoples - Region XII
Municipality of Malungon
Municipal Government of Tampakan
Lgu Columbio SulKud

08/10/2026

What does mining contribute to the Philippines? Here are the numbers, from employment and government revenues to environmental programs and investments in host communities.

Beyond the mine site, the industryโ€™s contribution can also be seen in the jobs it supports, revenues generated for government, environmental programs carried out, and investments that help address the needs of communities where mining operates.

BASAHIN. Sa pangunguna ng Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Tablu, katuwang ang Sagittarius Mines, Inc. (SMI), is...
06/10/2026

BASAHIN. Sa pangunguna ng Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Tablu, katuwang ang Sagittarius Mines, Inc. (SMI), isinagawa ang Undertaking Signing at Information, Education and Communication (IEC) Activity para sa mga student beneficiaries ng SMI Educational Assistance Program. Higit pa sa isang pormal na aktibidad, naging pagkakataon ang community forum na ito para muling ipahayag ng mga magulang, legal guardians, at mga educational grantee ang kanilang suporta at pangako sa mga programa ng BLGU Tablu at SMI.

Sa paglagda ng undertaking, muling pinagtibay ng mga benepisyaryo at kanilang mga magulang ang kanilang commitment na tuparin ang mga responsibilidad at alituntunin ng educational assistance. Ipinakita rin nila na nauunawaan at sinasang-ayunan nila ang mga kondisyon ng programa.

Ipinahayag din ng mga magulang ang kanilang suporta sa Tampakan Project habang ito ay patungo sa commercial operation. Umaasa sila na sa pagsulong ng proyekto, mas marami pang pamilya at mag-aaral ang makikinabang sa mga programa at proyekto ng Social Development and Management Program (SDMP).

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, lalong tumitibay ang pagtutulungan ng Barangay Tablu, ng SMI, at ng komunidad sa pagsuporta sa edukasyon ng mga kabataan. Bahagi ito ng SDMP ng SMI, na naglalayong matulungan ang mga mag-aaral na makapagpatuloy sa pag-aaral at magkaroon ng mas magandang oportunidad para sa kanilang kinabukasan.








DENR Soccsksargen
MGB Soccsksargen
National Commission on Indigenous Peoples - Region XII
Municipality of Malungon
Municipal Government of Tampakan
Lgu Columbio SulKud

๐’๐Œ๐ˆ, ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐Š๐š๐ญ๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ค๐š๐ง ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐š๐ฒ๐จ๐ฌ ๐ง๐š ๐„๐๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐งTampakan, South Cotabato โ€“ Sa bawat ara...
05/10/2026

๐’๐Œ๐ˆ, ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐Š๐š๐ญ๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ค๐š๐ง ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐š๐ฒ๐จ๐ฌ ๐ง๐š ๐„๐๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง

Tampakan, South Cotabato โ€“ Sa bawat araw ng pagpasok sa paaralan, may mga pangunahing pangangailangan ang mga mag-aaral upang mas maayos silang makapag-aral, mula sa notebooks at school supplies hanggang sa simpleng pares ng tsinelas.

Bilang bahagi ng patuloy na suporta nito sa edukasyon, nagbigay ang Sagittarius Mines, Inc. (SMI) ng school supplies sa mga mag-aaral ng Grades 1 hanggang 3 at tsinelas naman para sa Grades 1 hanggang 6 ng Escobillo Elementary School sa Brgy. Pulabato, Tampakan, South Cotabato noong Setyembre 29, 2026.

Layunin ng tulong na makatugon sa ilan sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral at makatulong sa kanila na mas makapag-focus sa kanilang pag-aaral.

Bahagi ang assistance na ito ng Social Development and Management Program (SDMP) ng SMI, na sumusuporta sa mga programa para sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, at iba pang pangangailangang tinutukoy kasama ang mga komunidad at lokal na katuwang.

Para kay Sheila Mae G. Ordona, Head Teacher III ng Escobillo Elementary School, malaking tulong ang suporta ng SMI sa mga mag-aaral at sa buong school community.

โ€œWe are very grateful to Sagittarius Mines, Inc. for extending this assistance to our learners. We truly appreciate SMIโ€™s support to our school and our learners,โ€ ani Ordona.

Dagdag pa niya, nakatutulong ang ganitong suporta upang mabawasan ang ilang gastusin ng mga magulang at matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga bata sa kanilang pag-aaral.

โ€œThis is a big help to our learners, especially to parents who may be struggling to provide some of their childrenโ€™s school needs,โ€ dagdag niya.

Para sa SMI, bahagi ng responsible mining ang pakikipagtulungan sa mga komunidad at pagsuporta sa mga programang tumutugon sa kanilang mga pangangailangan. Sa pamamagitan ng SDMP, patuloy na nakikipagtulungan ang SMI sa mga lokal na katuwang upang maisulong ang mga programa na makatutulong sa pangmatagalang development ng mga komunidad.

Sa pamamagitan ng suporta sa edukasyon, hangad ng SMI na makatulong sa pagbibigay ng mas maayos na learning opportunities para sa mga kabataan at sa kanilang patuloy na pagkatuto at pag-unlad. (30)

๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐Š๐ฎ๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ, ๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐š๐  ๐ง๐š ๐’๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š: ๐’๐Œ๐ˆ ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ญ๐ข๐ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐‹๐ž๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  ๐“๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฒ๐œ๐š๐ซ๐ž ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐š๐ง๐ฅ๐š...
02/10/2026

๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐Š๐ฎ๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ, ๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐š๐  ๐ง๐š ๐’๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š: ๐’๐Œ๐ˆ ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ญ๐ข๐ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐‹๐ž๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  ๐“๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฒ๐œ๐š๐ซ๐ž ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ 

Tampakan, South Cotabato โ€“ Nag-turn over ang Sagittarius Mines, Inc. (SMI) ng Smart TV, school supplies, at mga tsinelas sa Danlag Daycare Center at Campo 1 Daycare Center sa Barangay Danlag, Tampakan, South Cotabato, noong Setyembre 29, 2026, bilang karagdagang suporta sa pag-aaral at pang-araw-araw na pangangailangan ng mga batang mag-aaral.

Sa pamamagitan ng Smart TV, mas maraming paraan ang mga g**o upang gawing mas engaging ang kanilang mga lesson. Maaari itong gamitin sa storytelling, educational presentations, sayaw, awitan, at iba pang interactive activities, na nagbibigay sa mga bata ng mas makulay at masayang paraan ng pagkatuto.

Para kay Vivian A. Son, g**o ng Campo 1 Daycare Center, malaking dagdag sa kanilang classroom ang bagong Smart TV.

โ€œDako gyud ang matabang sa mga bata, labi na sa storytelling ug sa mga sayaw-sayaw nila. Ma-enjoy gyud nila kay naa na silay dako nga screen. Salamat, SMI.โ€

Ayon sakanya, makatutulong ang bagong kagamitan upang mas mahikayat ang mga bata na makilahok sa mga aktibidad, lalo na sa storytelling at mga sayaw na mas nagiging masaya kapag may visual materials at malaking screen.

Nagpasalamat din si Lelibeth Z. Luceรฑara, g**o ng Danlag Daycare Center, sa suportang ipinagkaloob para sa mga batang mag-aaral.

โ€œWe are very thankful sa mga nag abot nga blessings from SMI. Dako ni nga tabang para sa kabataan. Very thankful kami.โ€

Bahagi ang inisyatibang ito ng patuloy na suporta ng SMI sa mga host at neighboring communities sa ilalim ng Social Development and Management Program (SDMP). Sa pamamagitan ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng komunidad, patuloy na nakikipagtulungan ang SMI sa mga lokal na paaralan at iba pang partners upang makatulong na mapalakas ang mga oportunidad para sa mga bata at kanilang mga pamilya.

Para sa SMI, ang responsableng pagmimina ay may kasamang pangmatagalang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad at pagsuporta sa mga programang nagbibigay-halaga sa edukasyon at pag-unlad ng kabataan. Sa Danlag, ang bagong learning tools ay hindi lamang dagdag na kagamitan sa silid-aralan, nagbibigay rin ang mga ito ng mas maraming pagkakataon para sa mga bata na matuto, makilahok, at tuklasin ang mundo sa mas masaya at makabuluhang paraan. (30)







01/10/2026

PANOORIN. Patuloy na nakikiisa ang Sagittarius Mines, Inc. (SMI) sa mga komunidad sa pagsusulong ng edukasyon at pagbibigay ng suporta sa mga batang learners. Kabilang ang Danlag Daycare Center at Campo 1 Daycare Center sa ilan sa mga natulungan sa pamamagitan ng mga programang pang-edukasyon ng SMI sa ilalim ng Social Development and Management Program (SDMP).

Bahagi ito ng pangako ng SMI sa responsible mining, ang makibahagi hindi lamang sa pagpapaunlad ng industriya, kundi pati sa pangmatagalang pag-unlad ng mga komunidad. Habang papalapit ang commercial operations ng Tampakan Project, patuloy na palalawakin ang mga programang makatutulong sa edukasyon upang mas marami pang kabataan sa host at neighboring communities ang mabigyan ng pagkakataong matuto, umunlad, at maabot ang kanilang mga pangarap.









MGB Soccsksargen
DENR Soccsksargen
National Commission on Indigenous Peoples - Region XII
Municipal Government of Tampakan
Municipality of Malungon
Lgu Columbio SulKud

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ, ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐’๐Œ๐ˆ ๐’๐‚๐‡๐Ž๐‹๐€๐‘๐’!Hangad namin ang inyong tagumpay sa pag-aaral at ang katuparan ng inyong mga...
29/09/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ, ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐’๐Œ๐ˆ ๐’๐‚๐‡๐Ž๐‹๐€๐‘๐’!

Hangad namin ang inyong tagumpay sa pag-aaral at ang katuparan ng inyong mga pangarap.

Makakaasa kayo na ang Sagittarius Mines, Inc. (SMI) ay patuloy na magiging katuwang ninyo sa inyong paglalakbay tungo sa pagtatapos at sa pagbuo ng mas magandang kinabukasan.

Ang educational assistance program na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng SMI sa edukasyon sa ilalim ng mga programang naglalayong magbigay ng mas maraming oportunidad sa mga kabataan mula sa host at neighboring communities ng Tampakan Project.

Sa pamamagitan ng edukasyon, nais ng SMI na makatulong sa mga kabataan na maabot ang kanilang mga pangarap, mapaunlad ang kanilang kakayahan, at magkaroon ng mas maraming oportunidad para sa kanilang kinabukasan.

Congratulations, scholars! Ipagpatuloy ang pagsisikap, mangarap nang mataas, at gamitin ang edukasyon bilang daan tungo sa mas maraming oportunidad at mas magandang bukas.

๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐’๐Œ๐ˆ ๐’๐‚๐‡๐Ž๐‹๐€๐‘๐’:
1. Charls Lawrence Tigullo
2. Kenneth Jay D. Delos Santos
3. Yujidave B. Eusorez
4. Bealyn M. Sen
5. Ehra Jane E. Renopal
6. Luchelle Lianne G. Cale
7. Alieza C. Jimenez
8. Ianna Jade Jimenez
9. Lalaine Vega
10. Bevie Joy O. Vega
11. Prescila S. Dolomatan
12. Kenneth M. Vega
13. Airish D. Gallego
14. Jhonecarl R. Jimenez
15. Teejay B. Marzon
16. Nizzia Lane Yonido
17. Crystylene V. Eridiano
18. Shena Mae Telebrico







Address

Tampakan
9507

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Telephone

+63835548414

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sagittarius Mines, Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category