26/09/2025
Alam niyo ba? Kinilala ng Department of Energy (DOE) ang Petron bilang isang opisyal na LPG Training Institution!
Ibig sabihin, ang mga tao sa likod ng Petron LPG, mula refinery hanggang sa dealers at outlet, ay dumaan sa de-kalidad na pagsasanay para sa ligtas na paghawak, tamang pag-iimbak, at maayos na pamamahagi ng LPG.
Kaya sa Petron Gasul, sigurado ka na ang ginagamit mo ay ligtas, maaasahan, at de-kalidad para sa iyong pamilya at negosyo.
Piliin ang subok na! Laging Petron Gasul ang gamitin mo.
Kinilala ng Kagawaran ng Enerhiya ang Petron Corporation bilang isang DOE-Recognized LPG Training Institution, alinsunod sa pagpapatupad ng LPG Industry Regulation Act (RA 11592).
Ang pagkilalang ito ay nagpapalakas sa kakayahan ng Petron na mag-train ng mga kwalipikadong LPG professionals mula sa kanilang refinery, terminal, haulers, dealers, at retail outlets.
Tinitiyak ng DOE na ang mga dumadaan sa mga kinikilalang training institutions ay nakakatanggap ng de-kalidad na pagsasanay para sa ligtas na paghawak, tamang pag-iimbak at maayos na pamamahagi ng LPG. Ito ay para sa kaligtasan ng bawat pamilya at negosyo.