25/09/2025
Kung negosyante ka, dapat alam mo ang 4 numbers na ito
Kung may negosyo ka na ngayon or nagbabalak ka pa lang, do yourself a favor, alamin mo kung ano ang ibig sabihin at kung magkano ang mga ito sa business mo.
1. Variable Cost or just Cost for practicality
- ito yung direct mong nagagastos or binibili every time nakakabenta ka.
Kung food and beverage business ka, ito yung mga ingredients ng pagkain. Kung na sa handicrafts ka, ito yung mga raw materials.
And even kung nasa service ka, ito yung mga supplies at accessories na nagagamit mo every time nagrerender ka ng service gaya ng shampoo, conditioner, powder and wax for salons and barbershop.
2. Selling price
- di ko na iexplain ito. For sure alam niyo na ito.
3. Contribution margin or simply margin
- this is the percentage equivalent ng TUBO mo in relation sa selling price.
This is where a lot of small business owners commit the mistake of starting a losing business on the get go.
Kakaumpisa pa lang, magkaka-idea kana kung saan pupulutin yung business mainly because of its margins.
A P20 tubo for a P200 selling price a 10% margin (P20/P200).
A P5 tubo for a selling price of P80 is 6.25% margin ( P5/P80)
A P80 tubo for a selling price of P120 is 66.67% margin (80/120).
Importanteng malaki-laki ang margin kasi dito mo pa huhugutin ang mga ipangbabayad mo sa overheads.
Be reminded na kung mag-uumpisa ka pa lang, mahihirapan kang maghabol ng "VOLUME" kasi maliit pa lang ang resources mo and hindi ka pa kilala sa inyo.
Kaya suntok sa buwan talaga yang strategy na "quality na, mura pa".
4. Fixed costs
- Dito usually nasasama ang mga overhead natin. These are called "Fixed" kasi walang pakialam ang mga costs na ito kung nakabenta ka ba o hindi.
Kailangan mong unahing habulin ang mga ito because these are necessary expenses para makapag-operate ka. And again, lahat ng ito ay kukunin mo sa margins mo.
Common items here includes:
Employee salaries, rent, electricity, water, internet, bookkeeper, online/software subscriptions, repairs and maintenance, monthly amortizations ng mga utang and kung kaya, yung owner's monthly compensation narin.
Once alam mo na ang mga yan, pwede na tayo mag compute ng break-even point and magkaka-idea ka na rin kung may potential ba for profit ang business mo.