19/08/2025
Mag ingat mga kapatid, nasa loob na ang mga masasamang damo, malalago na rin sila, Kasama natin! Kaya, maging matalino dapat Tayo.
Ipakipagbaka natin ang ating pananampalataya! At magbagong buhay na!!
Mateo 13:24-30
"Muling nagbigay ng talinghaga si Jesus sa kanila, “Ang paghahari ng Dios ay maitutulad sa kwentong ito: May isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. Pero kinagabihan, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng masasamang damo at umalis. Nang tumubo ang mga tanim at namunga, lumitaw din ang masasamang damo. Kaya pumunta sa kanya ang kanyang mga alipin at sinabi, ‘Hindi po ba mabubuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Paano po ba ito nagkaroon ng masasamang damo?’ Sinabi ng may-ari, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ Tinanong siya ng mga utusan, ‘Gusto po ba ninyong bunutin namin ang masasamang damo?’ Sumagot siya, ‘Huwag, baka mabunot din ninyo pati ang trigo. Hayaan na lang muna ninyong lumagong pareho hanggang sa anihan. Kapag dumating na ang panahong iyon, sasabihin ko sa mga tagapag-ani na unahin muna nilang bunutin ang masasamang damo, at bigkisin para sunugin. Pagkatapos, ipapaani ko sa kanila ang trigo at ipapaimbak sa aking bodega.’ ”
Malapit na ang Araw ng anihan, kaya
Isa puso, Isa isip at Isa buhay Po natin ang aral ng Diyos sa loob ng Iglesia Ni Cristo! Dahil dito nakabatay ang ating kaligtasan...
Mateo 13:36-43
"Pagkatapos, iniwan ni Jesus ang mga tao at pumasok siya sa isang bahay. Nilapitan siya ng mga tagasunod niya at sinabi, “Pakipaliwanag po sa amin ang talinghaga tungkol sa masasamang damo.” Sumagot si Jesus, “Ang naghasik ng mabuting binhi ay walang iba kundi ako na Anak ng Tao. Ang bukid ay ang mundo, at ang mabuting binhi ay ang mga kabilang sa kaharian ng Dios. Ang masasamang damo naman ay ang mga sakop ni Satanas. Si Satanas ang kaaway na nagtanim sa kanila. Ang anihan ay ang katapusan ng mundo, at ang tagapag-ani ay ang mga anghel. Kung paanong binubunot at sinusunog ang masasamang damo, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng mundo. Ako na Anak ng Tao ay magpapadala ng mga anghel, at aalisin nila sa aking kaharian ang lahat ng gumagawa ng kasalanan at nagiging dahilan ng pagkakasala ng iba. Itatapon sila sa nagliliyab na apoy, at dooʼy iiyak sila at magngangalit ang kanilang ngipin. Pero ang matutuwid ay magniningning na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama. Kayong mga nakikinig, dapat ninyo itong pag-isipan!”
Maninindigan sa pananampalataya at pagsunod sa kalooban ng Diyos!!!
Kaya,
Halika Po sa Kapilya namin, malugod Po namin kayong inaanyayahan na magsuri, sa aral na àming sinasampalatayanan sa loob ng Iglesia Ni Cristo, sa pinaka malapit na kapilya sa inyong lugar..
Or Pm me, para Po ma guide ko Po kayo! Sa mga Ministro't manggagawa para magturo, makapagsuri ka sa mga aral ng Bibliya. kung malapit po kayo sa amin. Welcome Po kayo sa Iglesia Ni Cristo.
Thank you po 🙏🏼