14/04/2026
📢 PAALALA SA AMING MGA VALUED CUSTOMERS
Magandang araw po.
Nais po naming ipaalam na magkakaroon po ng bahagyang pagtaas sa presyo ng aming purified water dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, singil sa kuryente (Meralco), at iba pang operational expenses.
Ang bagong presyo ay magiging epektibo simula April 20, 2026.
💧 Updated Rates:
• ₱35 – Delivery
• ₱30 – Pickup
Umaasa po kami sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta. Sisikapin pa rin po naming maibigay ang malinis, ligtas, at dekalidad na tubig na inyong pinagkakatiwalaan.
Maraming salamat po! 🙏