24/07/2026
Ang tunay na lider ay hindi lang marunong magsalita, marunong ding gumawa. π
Sa bawat bakal na kanyang hinuhubog, makikita ang kanyang sipag. Sa bawat proyektong kanyang tinatapos, makikita ang kanyang dedikasyon. At sa bawat taong kanyang natutulungan, makikita ang kanyang malasakit.
Ngayon, handa namang maglingkod si Japhet Quiani hindi lang bilang isang mahusay na sidecar builder, kundi bilang isang lingkod ng ating barangay.
Hindi siya nangangako ng imposible. Ang ipinapangako niya ay ang parehong sipag, katapatan, at malasakit na matagal na niyang ipinapakita sa kanyang trabaho at sa komunidad.
Kung binasa mo ito ng maayos, alam mong hindi tatakbo si bossing Japhet at patuloy lang syang magiging builder ng inyong sidecar pero kung maniniwala ka baka mag heart react ka pa. Pusuan mo na rin para makatotohanan.
Kung nais natin ng isang lider na marunong makinig, handang tumulong, at tunay na kumikilos para sa kapakanan ng bawat residente, sama-sama nating suportahan si Japhet Quiani bilang Barangay Kagawad.
π³οΈ Ang bawat boto ay pagkakataong pumili ng lider na may gawa, hindi lang salita.
Maraming salamat sa inyong suporta, tiwala, at panalangin. Nawa'y patuloy nating isulong ang isang barangay na mas maayos, mas ligtas, at mas maunlad para sa ating lahat.
Basta Kay Japhet, Walang Kupit! π«‘