Marti Capacio

Marti Capacio Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Marti Capacio, Business service, Poblacion, Toledo City.

10/03/2022
17/12/2020
12/12/2020
10/11/2020
04/11/2020

Laging Umuutot: Masama Ba Ito?

By Dr. Willie Ong

Alam ninyo ba na ang pangkaraniwang tao ay umuutot ng 10-25 beses kada araw? Oo, normal po ito.

Bakit tayo umuutot? Ang utot ay mula sa hangin na naiipon sa ating tiyan at bituka. Kapag maamoy ang utot, may taglay itong sulfur na gawa ng bacteria.

Ang utot ay puwedeng manggaling sa hanging pumasok sa bibig (sobrang pagsasalita) o mula sa pagkaing tinutunaw ng ating bituka. Pareho itong nagdudulot ng hangin sa tiyan at lumalabas bilang utot.

Heto Ang Dahilan Ng Sobrang Hangin Sa Tiyan (at Utot):
1. Paglunok ng hangin dahil sa pagsasalita ng matagal o nagsasalita habang kumakain.
2. Mabilis kang kumain kaya hindi natutunaw ang iyong kinain.
3. Pagkain ng candy, chewing gum, at mga pagkaing nagdudulot ng hangin tulad ng beans, mais, noodles at cabbage. Hindi naman masama itong mga pagkain.
4. Pag-inom ng soft drinks at beer. May hangin at bula itong mga inumim kaya mapapadighay o mapapa-utot ka.
5. May taong may “lactose intolerance” kung saan nagtatae sila kapag nakainom ng gatas. Umiwas muna sa gatas.
6. Ang taong may nerbyos ay mabilis huminga, kumukulo ang tiyan at napapautot din.

Ang sintomas ng sobrang hangin sa tiyan ay ang paglaki ng tiyan o bloating. Medyo sumisikip ang pantalon, kumikirot ang tiyan at hindi komportable ang iyong pakiramdam. Ngunit kapag naiutot mo na ang hangin sa tiyan ay magiginhawahan ka.

Tips Sa Laging Inuutot:
1. Bawasan ang mga pagkaing nailista ko sa itaas, tulad ng soft drinks at beer.
2. Bagalan ang iyong pagkain at huwag gaano magsasalita habang kumakain.
3. Bawasan din ang dami ng kinakain. Kung iba’t-ibang pagkain ang kakainin mo ay puwede talagang dumami ang hangin sa tiyan.
4. Mag-ehersisyo ng regular. Ang ehersisyo ay nagpapaganda ng galaw ng iyong bituka at mas mailalabas mo ang hangin sa tiyan.
5. Magbawas sa stress.
6. Huwag matulog ng nakatapat sa electric fan o air con, para hindi mo malunok ang hangin.

Tandaan: Hindi po masama ang pag-utot. Bilang konsiderasyon sa ibang tao, lumabas muna sa kuwarto o humingi ng paumanhin. Para sa iyong kalusugan, kailangan mong mailabas ang sobrang hangin sa tiyan para maginhawahan

Address

Poblacion
Toledo City
6038

Opening Hours

Monday 11am - 10pm
Tuesday 11am - 10pm
Wednesday 11am - 10pm
Thursday 11am - 10pm
Friday 11am - 10pm
Saturday 2pm - 10pm

Telephone

09219971956

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marti Capacio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share