Ang Parekoy Tatak Marino ay isang pangalan na nabuo ng isang malikhaing kaisipan at imahinasyon ng isang tunay na Marino,impluwensya na rin marahil ng munting kaalaman sa pag dedesinyo na maging hanggang ngayon ay patuloy ang pag iibayo,naging malaking ambag at inspirasyon nito ang ating malawak na pasyalan, ...ang karagatan, takip silim, buwan,bituin at nakabibinging katahimikan sa gabi, bukang liwayway, sikat ng araw, parola, kakaibang imprastraktura, makukulay at mga nakakabighaning mga tanawin sa dalampasigan, gayun din ang sipol at ihip ng hangin, tunog ng makina at mga naglalakihang alon na humahampas sa kustado. Ibat ibang klaseng Marino nakadestino saan mang sulok ng mundo, ano mang antas at departamento, maaring iba-iba ang mga lugar na pinagmulan, iba-iba ang paniniwala, katangian at abilidad, at kahusayan sa ibat ibang larangan, marami marahil ang mga magagaling, tamang galing, meron naman minsan sobrang galing,subalit kapag tumunog na ang “Alarmang Sunog” tayong lahat ay nagkakaisa, iisa ang ating direksyon at layunin. Ang minsan nating pagkakaiba ng mentalidad, paniniwala at hangarin ay pagsisikapan po itong pagbukludin at unawain, sa pamamagitang ng aming mga obra, pipilitin po nating abutin ang puso ng bawat Marino.
Ang TATAK Marino ay gagawa ng ng ibat ibang klaseng desinyo na naangkop sa larangan ng maritimo. Sa ganitong paraan naniniwala tyo na makakatulong ito na mapanatili, o bagkus lalo pang iangat ang pananaw, paniniwala, determinasyon ng marino. Hangad din nito na maiba, mabago, o mapalitan ang umanoy maling pagtingin at interpretasyon sa atin ng ibang tao. Karagdagan pa nito, kayo ay malayang gumawa o lumikha at ilabas ang inyong mga saloobin, sa pamamagitan ng inyong sariling disenyo at konsepto para sa inyong napiling produkto o maari din ninyong ibahagi sa iba pang Marino. Magiging bukas din ang TATAK Marino sa inyong mga reaksiyon,suhestiyon,koreksiyon, komentaryo, hinggil sa aming serbisyo at produkto,maging mga mapanira man at maling akusasyon hinggil sa amin ay matapang po naming haharapin, sa tulong ninyo, at ng Poong Maykapal. Ang atin pong paniniwala, determinasyon at magandang hangarin ang syang magsisilbing pang salba-buhay sa mga ganitong pagkakataon.
Makikiisa at makikipag-tulungan din ang TATAK-Marino sa mga organisasyon, samahan o grupo na may magandang adhikain at hangarin para sa ikauunlad ng Sambayanang Marino. Mabuting kalusugan, magandang buhay, magandang kinabukasan, pang sarili at para sa bawat myembro ng ating pamilya, ating dinadalangin.
Taas nuo, kahit kanino.