17/08/2022
We should utilize what we have locally.
NEWS UPDATE: Sa harap ng problema sa asukal, naniniwala ang Philippine Coconut Authority (PCA) na magandang tingnan ang paggamit ng alternatibong coconut sap sugar o asukal mula sa niyog, sa paghahanda ng pagkain at inumin.
Ayon sa PCA, hindi gaya ng karaniwang asukal, mayaman sa amino acid ang coconut sap sugar, lalo na glutamic acid, na nakakatulong sa pag-normal ng function ng prostate gland.
Maganda source rin ng carbohydrates, Vitamin B, at iron.
Imbes naman softdrinks, ibinibida ng PCA ang pag-inom ng coconut water na mayaman sa potassium. | via Clay Pardilla