13/02/2026
ANG TOTOO SA PAGNENEGOSYO.
Hindi ito fairy tale.
Walang magic na βbukas milyonaryo ka na.β
Walang shortcut na βisang post lang, ubos agad ang stocks.β
Ang negosyo, hindi yan para sa naghahanap ng easy life.
Ikaw ang buyer.
Ikaw ang taga-check ng stocks.
Ikaw ang taga-pack.
Ikaw ang taga-deliver.
Ikaw rin ang customer service na paulit-ulit sumasagot ng
βAvailable pa po?β kahit naka indicate na sa post.
At eto pa.
Hindi lahat ng kaibigan mo magiging customer mo.
Hindi lahat ng kamag-anak mo magiging cheerleader mo.
Minsan sila pa ang unang magsasabi ng:
βSigurado ka ba diyan?β
βAng hirap niyan.β
βBaka masayang lang effort mo.β
βMaghanap ka na lang ng trabaho, mas safe.β
Pero tandaan mo,
Hindi porket hindi nila kayang gawin, hindi mo na rin kaya.
Habang may mga taong nagdududa,
may mga hindi mo kilala na naniniwala.
May mga stranger na nag-oorder,
nagbabalik, at nagre-recommend pa sa iba.
Ganito talaga ang negosyo:
β’ Walang arte.
β’ Walang quit-quit pag napagod.
β’ Walang hiya-hiya pag kailangan magbenta.
β’ Walang perfect timing , ikaw ang gagawa ng timing.
Negosyo = tibay ng loob + kapal ng mukha + diskarte + tiwala sa Diyos.
Kung ngayon pagod ka,nalulugi minsan, naiinis,
o naiiyak sa pressure, normal yan.
Pero hindi ka ginawa para sumuko sa gitna.
Ginawa ka para magpatuloy kahit mabagal.
Kung madali lang yumaman, lahat sana may negosyo na.
Pero hindi lahat may lakas ng loob magsimula.
Ikaw meron.
Kaya tuloy lang.
Ang pagod, lilipas.
Pero ang bunga ng tiyaga, dadating.