21/02/2025
Yong na accident kapa tapos ma huli ohhh no sadlife 🥲 pinag hirapan mong mapa Pera mag lalaho😪
Cigarette smugglers, naaksidente, arestado
Apat na magdadala ng mga sigarilyong gawa sa Indonesia sa kanilang buyers gamit ang isang van ang naaksidente habang hinahabol ng mga pulis sa General Santos City nitong umaga ng Huwebes, February 20, 2025.
Nagsimula ang naturang habulan sa isang bayan sa Sarangani Province ng umiwas ang apat sa mga pulis na nagtangkang pigilin sila para lang sana sa isang simpleng gun ban inspection.
Sa halip na magpa-inspect, tumakas ang mga smugglers na kalaunan ay bumaliktad ang sinasakyang van at doon na nabisto ng mga pulis na humahabol sa kanila na may dala pala silang kontrabadong imported na sigarilyo.
Ang isa sa kanila ay may dalang .45 caliber pistol na walang lisensya at permiso sa Commission on Elections na maaring dalahin ng may ari sa labas ng bahay. January 12, 2025 nagsimula ang nationwide gun ban na ipinapatupad ng Comelec kaugnay ng napipintong May 2025 elections. (Feb. 20,2025, handout photo)