25/05/2026
“Mas mabuti na sumubok kaysa habang buhay mong dala ang tanong na ‘paano kaya kung tinuloy ko?’ 💯
Hindi naman lahat ng sumusubok agad nagtatagumpay, pero lahat ng nagtagumpay nagsimula muna sa paglalakas ng loob na sumubok. 🔥
Sa buhay, mas masakit ang pagsisisi kaysa pagkatalo.
Kasi ang pagkatalo, may natututunan ka… pero ang hindi pagsubok, puro ‘sayang’ ang maiiwan.
Walang yumayaman, umaasenso, o nagbabago ang buhay sa kakaisip lang.
Kailangan mo talagang kumilos, sumugal para sa pangarap, at maniwala sa sarili mo kahit may takot. ❤️
Tandaan mo, hindi mo malalaman ang resulta kung hindi mo susubukan.
Malay mo, itong pagkakataon na kinakatakutan mo ngayon… ito pala ang magiging dahilan para mabago ang buhay mo at ng pamilya mo balang araw. 🙏✨”