ASMerchandising

ASMerchandising We accept accept customized designs and printing

09/12/2026
09/11/2026

BARISTANG PASTOR SERYE:

PANGHILOD / BATH STONE

When Grace Cleans Beneath the Surface

Hindi lahat ng mukhang malinis ay malinis hanggang loob.

May duming kayang banlawan ng tubig at may bahaging kailangang kuskusin ng panghilod. But the deepest stains of the heart cannot be removed by our own effort, only the grace of God can cleanse what we often try to hide.

Relate ka pa ba sa panghilod?

Naalala ko ito tuwing umuuwi ako sa Pilipinas. May ilang pictures pa nga ako dahil hanggang ngayon, may mga bahay pa ring gumagamit nito. Sa simple nitong itsura, parang may story ang bawat tahanan, mga panahong sapat na ang timba, tabo, loofah, at batong panghilod para maging malinis.

Noong araw, simple lang ang banyong Pinoy. May malaking timba ng tubig, isang tabo, loofah, at batong panghilod. Walang expensive body wash o shower na may iba’t ibang settings.

At madalas, maririnig pa natin ang reminder ni Nanay:

“Kuskusin mong mabuti ang batok, tuhod, at siko mo!”

Akala natin clean na tayo dahil nabasa na ang buong katawan. Pero kapag ginamitan na ng panghilod, saka lumalabas ang dumi na hindi agad nakikita.

Ganoon din pala ang puso.

Madaling linisin ang nakikita ng ibang tao, our words, actions, appearance, at reputation. Pero may mga nakatagong sama ng loob, inggit, pride, wrong motives, at wounds na hindi kayang linisin ng outward changes lang.

Parang favorite coffee mug natin. Kahit banlawan every day, kapag hindi nahugasan nang maayos, unti-unting kumakapit ang mantsa sa loob. Mukhang clean sa labas, pero may naiwang latak na puwedeng makaapekto sa lasa ng susunod na timpla.

Kaya ang prayer ni David ay hindi lang, “Lord, pagandahin Mo ang nakikita ng iba.” Ang sabi niya:

“Create in me a clean heart, O God, and renew a steadfast spirit within me.”
~ Psalm 51:10

Hindi tayo nililinis ni God para ipahiya, kundi para pagalingin at baguhin. Kapag inilalantad Niya ang maruming bahagi ng puso natin, hindi iyon sign na rejected tayo. It is an invitation to stop hiding what needs to be surrendered.

Hindi natin kayang kuskusin ang kasalanan hanggang maging worthy tayo. Si Cristo lang ang makapaglilinis sa atin. Pero kailangan nating lumapit nang honest, walang pretending at walang pagtatakip.

☕ SMALL TAKEAWAY CUP

Bago tayo humingi ng panibagong refill, let God clean the cup first. Dahil ang malinis na puso ay mas ready tumanggap at mag-share ng Kanyang grace.

☕ BaristangPastor
Brewing Stories That Bring
Us Closer to God.

Address

Denver, CO
80013

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ASMerchandising posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to ASMerchandising:

Shortcuts

Share