08/19/2026
Noon Pangarap Lang ang Sariling lupa at Bahay…🏡🙏
Noong bata pa ako, napakahirap lang talaga ang buhay namin.
Nakatira kami sa bahay na nakatayo sa lupang hindi naman sa amin. Wala kaming maraming bagay, pero marami akong pangarap.
Minsan naiisip ko noon,
“Darating kaya yung araw na magkakaroon din kami ng sariling amin?”
Hindi ko alam kung paano.
Hindi ko alam kung kailan.
Pero bata pa lang ako, natutunan ko nang manalangin at mangarap.
Lumaki akong dala ang pangarap na magkaroon ng mas magandang buhay—hindi lang para sa sarili ko, kundi para rin sa pamilya ko.
Maraming taon ang lumipas. Maraming hirap, pagod, luha at pagsubok.
Pero ngayon, kapag binabalikan ko kung saan ako nagsimula, isa lang ang masasabi ko:
Napakabuti ng Diyos. 🙏❤️
Yung mga bagay na dati tinitingnan ko lang at pinapangarap… unti-unti ko nang nakikita na nagiging realidad.
Hindi pa tapos ang kwento ko.
At baka kaya mo ito nababasa ngayon, dahil kailangan mo ring marinig ito:
Huwag mong maliitin ang maliit mong simula. Hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng Diyos. ✨
Abangan ang Part 2: “Yung batang maraming pangarap, pero hindi alam kung paano magsisimula…”