06/26/2026
Bakit mas nagiging successful ang babae
kapag mas mahal niya ang sarili niya?
Sensitive topic ‘to.
Kasi may ibang babae,
sanay unahin lahat.
Anak.
Partner.
Pamilya.
Trabaho.
Hanggang sa sarili,
pinakahuli.
At habang tumatagal,
napapagod.
Kasi mahirap magbigay nang tuloy-tuloy
kapag ubos ka na rin.
Pero may napapansin ako.
Maraming babaeng mas nagiging confident,
mas malinaw magdesisyon,
at mas naggo-grow…
kapag natutunan nilang alagaan sarili nila.
Hindi lang physically.
Pati peace nila.
Boundaries nila.
Pahinga nila.
Goals nila.
Kasi may difference yung:
Buhay na puro survival.
At buhay na may space para huminga.
Sa totoo lang,
kapag mahal mo sarili mo,
possible mas piliin mo rin:
healthy na relasyon
mas maayos na desisyon
future na aligned sa gusto mo
At may mga anak ding natututo
kung paano alagaan sarili nila
sa nakikita nila sa nanay nila.
Minsan,
hindi selfish ang pagpili sa sarili.
Minsan preparation siya
para mas marami ka pang maibigay. 🖤