EC TAXPH

Directions Website Contact the business

EC TAXPH Tax made easy.
(419)

Nagfi-file ka ng 1701Q pero hindi mo ma-enter ang sales mo dahil may centavos?For example, ₱5,999.40 or ₱5,999.50 ang to...
14/11/2026

Nagfi-file ka ng 1701Q pero hindi mo ma-enter ang sales mo dahil may centavos?

For example, ₱5,999.40 or ₱5,999.50 ang total sales mo?

Na-encounter mo na rin ba ito sa eBIRForms?

Ako, madalas ko rin itong ma-encounter!

But don't worry. May instructions mismo sa 1701Q form kung paano ito i-round off. 👇

HERE'S WHAT YOU NEED TO REMEMBER:

✅ 49 centavos or less – ROUND DOWN

Example:
₱5,999.40 → ₱5,999

✅ 50 centavos or more – ROUND UP

Example:
₱5,999.50 → ₱6,000

Simple lang, right?

So, kapag nag-e-encode ka ng sales or other applicable amounts sa 1701Q, make sure na tama ang rounding para maiwasan ang encoding errors.

Kung Non-VAT individual taxpayer ka, at gusto mong matutunan kung paano ito gawin step by step?

Our 3rd Quarter ITR Filing Training for Non-VAT Individual Taxpayers is available through webinar recordings.

Learn step by step:
✔️ How to file your quarterly income tax return (1701Q)
✔️ How to properly use your 2307 tax credits
✔️ How to prepare SAWT
✔️ How to submit through eAFS

You can watch the recordings at your own pace and revisit the lessons whenever you need them.

For complete training details, join us here:
👉 EC TAXPH Business Community

Check the 𝗙𝗘𝗔𝗧𝗨𝗥𝗘𝗗 𝗣𝗢𝗦𝗧 for registration instructions.

Comment “Q3” para ma-approve ko agad yung request mo.

Save this post for your next tax filing and share it with fellow taxpayers who might need this reminder.

Your Taxes Made Easy with EC TAXPH!

"Parang nagpapakapagod at nagbabayad na lang tayo ng buwis para pondohan ang pamumuhay ng corrupt politicians."Nabasa ko...
14/11/2026

"Parang nagpapakapagod at nagbabayad na
lang tayo ng buwis para pondohan ang
pamumuhay ng corrupt politicians."

Nabasa ko ito sa isang post.

Nakakalungkot lang na
ganito ang iniisip ng bawat
Pilipino sa panahon ngayon.

Nagpapakapagod tayo magtrabaho
bawat araw para na lang makasurvive.

Patuloy tayong nagnenegosyo
sa kabila nng tumal at hirap ng compliance.

Halos wala ng kinikita
at halos malugi na.

Andito pa rin tayo lumalaban
ng patas para mabuhay.

Pero mababalitaan mo na lang
na may mga alegasyon
at kaso ng korapsyon
sa paggamit ng pera ng bayan.

Kaya hindi mo rin masisisi
kung bakit may mga taong
nawawalan ng tiwala sa sistema.

Isipin mo, bawat buwis
na binabayaran natin
ay galing sa perang
pinaghirapan nating kitain.

May mga magulang na
nagtatrabaho para sa pamilya.
May mga empleyadong umaasa
sa bawat sahod.
May mga negosyanteng isinasakripisyo
ang oras at puhunan
para lang mapanatiling buhay
ang kanilang negosyo.

Kaya kapag may nababalitang
posibleng pag-abuso sa pondo,
hindi lang pera ang usapin.

Pati tiwala ng mamamayan
sa mga institusyong dapat
sana ay nagsisilbi sa kanila.

Hindi naman natin sinasabing
lahat ng nasa gobyerno
ay walang ginagawa.

Pero ang bawat alegasyon
ng korapsyon ay dapat
seryosong imbestigahan,
at ang sinumang mapatunayang
lumabag sa batas
ay dapat managot.

Dahil hindi dapat maging
normal sa isang taxpayer
ang magbayad ng buwis
habang nagdududa kung
napupunta ba ito
sa tamang paggagamitan.

Karapatan nating malaman
kung saan napupunta
ang ating mga ambag.

At responsibilidad ng pamahalaan
na patunayan sa publiko
na ang perang kinokolekta nito
ay ginagamit nang tama.

Dahil ang buwis
ay hindi pera ng
mga nakaupo sa puwesto.

Pera ito ng mamamayang
araw-araw na nagsisikap
para mabuhay at umunlad.

P.S. For tax and bookkeeping updates
Join EC TAXPH Business Community
Sa loob pwede ka makaaccess sa trainings, tools and bookkeeping system.
Pagpasok mo sa group, click mo yung FEATURED POST.
Andun yung complete instructions kung paano ka makakaaccess.

"Hindi mahirap ang Pilipinas, sadyang hindi priorityang paunlarin ang buhay ng bawat isa."Ito yung reyalidad na meron ta...
13/11/2026

"Hindi mahirap ang Pilipinas, sadyang hindi priority
ang paunlarin ang buhay ng bawat isa."

Ito yung reyalidad na meron
tayo sa panahon ngayon.

At ito ang nararamdaman
ng bawat Pilipino sa panahon ngayon.

Kasi nung lumabas ang balita
tungkol sa inilaan na budget ng
gobyerno para sa ASEAN, maraming
tao ang nagreact dito.

Sabi ng karamihan...

"Kaya naman palang maglaan
ng malaking budget para sa isang
proyekto, pero bakit hindi ito ginawa
sa mas makabuluhang bagay?"

At dito mo makikita
kung ano talaga ang
pinanggagalingan ng frustration
ng maraming mamamayan.

Hindi naman masama ang
maglaan ng pondo para
sa mga international events
at pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.

Pero natural lang na magtanong
ang publiko kung paano
pinipili ang mga prayoridad
sa paggamit ng pera ng bayan.

Habang may mga pamilyang
hirap pagkasyahin ang kinikita,
may mga estudyanteng nangangailangan
ng mas maayos na paaralan,
at may mga komunidad na
naghihintay ng maayos na serbisyo.

Gusto lang naman ng mga tao
na makita ang pagbabago
sa pang-araw-araw nilang buhay.

Dahil ang pag-unlad ng bansa
ay hindi lang nasusukat
sa malalaking proyekto,
international events,
o magagandang presentasyon.

Nasusukat din ito
sa kalidad ng edukasyon,
serbisyong pangkalusugan,
imprastraktura, oportunidad sa trabaho,
at serbisyong nararamdaman
ng ordinaryong Pilipino.

Kaya mahalagang malinaw
kung saan napupunta ang
bawat pondong inilaan,
ano ang pakinabang nito,
at paano nito napapabuti
ang buhay ng mamamayan.

Dahil ang pera ng bayan
ay hindi basta budget
na kailangang gastusin.

Ito ay ambag ng mga taong
araw-araw na nagtatrabaho,
nagnenegosyo, at nagbabayad
ng buwis.

At karapatan nilang magtanong:

Sa dami ng pangangailangan
ng ating bansa,
paano natin masisiguro
na napupunta ang pondo
sa mga bagay na
pinakamahalaga sa mamamayan?

P.S. For tax and bookkeeping updates
Join EC TAXPH Business Community
Sa loob pwede ka makaaccess sa trainings, tools and bookkeeping system.
Pagpasok mo sa group, click mo yung FEATURED POST.
Andun yung complete instructions kung paano ka makakaaccess.

𝗔𝗳𝘁𝗲𝗿 𝗺𝗼 𝗺𝗮𝗴 𝗳𝗶𝗹𝗲 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘅 𝗿𝗲𝘁𝘂𝗿𝗻, 𝗶-𝘀𝗮𝘃𝗲 𝗺𝗼 𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝟯 𝗽𝗱𝗳 𝗳𝗶𝗹𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗸𝗲𝗲𝗽 𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗰𝗼𝗺𝗽𝘂𝘁𝗲𝗿 𝗼𝗿 𝗴𝗼𝗼𝗴𝗹𝗲 𝗱𝗿𝗶𝘃𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗳𝘂𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗿𝗲𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰...
13/11/2026

𝗔𝗳𝘁𝗲𝗿 𝗺𝗼 𝗺𝗮𝗴 𝗳𝗶𝗹𝗲 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘅 𝗿𝗲𝘁𝘂𝗿𝗻, 𝗶-𝘀𝗮𝘃𝗲 𝗺𝗼 𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝟯 𝗽𝗱𝗳 𝗳𝗶𝗹𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗸𝗲𝗲𝗽 𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗰𝗼𝗺𝗽𝘂𝘁𝗲𝗿 𝗼𝗿 𝗴𝗼𝗼𝗴𝗹𝗲 𝗱𝗿𝗶𝘃𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗳𝘂𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗿𝗲𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲, 𝗶𝗻 𝗰𝗮𝘀𝗲 𝗻𝗮 𝗺𝗮-𝗮𝘂𝗱𝗶𝘁 𝗻𝗶 𝗕𝗜𝗥:

𝟭. 𝗧𝗮𝘅 𝗿𝗲𝘁𝘂𝗿𝗻𝘀.

Ito yung BIR form 2551Qv2018 kung 3rd quarter percentage tax return yung na file mo.

Or yung BIR form 1701Qv2018 kung 3rd quarter Income Tax return yung na file mo.

Two pages yan pareho.

Make sure mo lang na v2018 yung napili mong form.

𝟮. 𝗘𝗺𝗮𝗶𝗹 𝗰𝗼𝗻𝗳𝗶𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻.

Whether percentage tax return or income tax return yung na file mo, parehas lang yung email confirmation na mare-receive mo sa email.

May konting pagkakaiba lang sa details.

Minsan mabilis lang dumating.

About five minutes after mo mag-file ng tax return, pero minsan naman inaabot ng days or even weeks.

Yung iba ang ginagawa nila para hindi na nila hintayin yung email confirmation na sobrang tagal dumating nagre-refile na lang sila ng bago as long as hindi pa lagpas doon sa deadline.

𝟯. 𝗣𝗿𝗼𝗼𝗳 𝗼𝗳 𝗽𝗮𝘆𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗯𝗶𝗻𝗮𝘆𝗮𝗿𝗮𝗻 𝗸𝗮).

Kung may binayaran ka, all you need to do is to keep the screenshot of your proof of payment.

Kung wala kang tax due, you can skip this part.

In summary, keep the following documents in pdf file format:

1. Tax return.
2. Email confirmation.
3. Proof of payment.

Now, do you want to learn how to file and pay 3rd quarter 2551Q & 1701Q?

May available akong webinar recordings ng ating 3rd Quarter ITR Filing Training for Non-VAT Individual Taxpayers conducted last October 31, November 2 & 4.

It's a step-by-step guide wherein ituturo ko kung paano i-file yung tax returns mo at bayaran ung tax due online.

For complete details, join us here:
👉 EC TAXPH Business Community

Check the 𝗙𝗘𝗔𝗧𝗨𝗥𝗘𝗗 𝗣𝗢𝗦𝗧 for registration instructions.

Comment “Q3” para ma-approve ko agad yung request mo.

Kung gusto mo maging compliant this 3rd quarter at maka save sa monthly retainers fee ng bookkeeper or accountant, this webinar video tutorial is for you.

"Bayad tayo nang bayad ng buwis pero yung sistema laging ganito kapag deadline."Minsan mapapaisip ka rin talaga sa siste...
13/11/2026

"Bayad tayo nang bayad ng buwis
pero yung sistema laging ganito
kapag deadline."

Minsan mapapaisip ka rin
talaga sa sistema na meron tayo.

Isipin mo, napakaraming taxpayer
dito sa bansa natin.

Maraming malalaking negosyante
na nagbabayad ng buwis.

Andyan din ang mga MSMEs.
Empleyado at mga OFWs.

Ang tanong ng marami...

Bakit hindi tayo makapag-invest
sa isang mas maayos
at modernong sistema?

Yung mabilis at accessible.
Yung kayang mag-handle
ng dami ng taxpayers.
Yung hindi laging nagkakaroon
ng problema tuwing deadline.

Dahil hindi naman bago
ang pagdami ng taxpayers.
Hindi rin naman biglaan
ang mga filing deadlines.

Kaya dapat napaghahandaan
ang ganitong mga panahon.

Hindi puwedeng taon-taon,
pareho pa rin ang aberya
at taxpayers ang laging
nag-aadjust sa problema.

Kaya hindi mo rin masisisi
ang ilang taxpayers kung
napapaisip sila ng ganito:

"Parang sinasadya ata ng BIR para mas
makakolekta ng penlaties sa atin."

Hindi natin sinasabing
sinasadya ang mga aberya
para makakolekta ng penalties.

Pero mahalagang maunawaan
ng mga taxpayers kung
paano hinaharap ang mga
paulit-ulit na problemang ito.

Dahil kung obligasyon nating
mag-file at magbayad sa oras,
obligasyon din ng sistema
na magbigay ng serbisyong
maaasahan at episyente.

Hindi dapat maging dagdag
na pasanin sa taxpayers
ang problemang kaya namang
paghandaan at pagbutihin.

Ang tanong: Hanggang kailan
kailangang mag-adjust ng taxpayers
sa sistemang dapat sana
ay nagsisilbi sa kanila?

P.S. For tax and bookkeeping updates
Join EC TAXPH Business Community
Sa loob pwede ka makaaccess sa trainings, tools and bookkeeping system.
Pagpasok mo sa group, click mo yung FEATURED POST.
Andun yung complete instructions kung paano ka makakaaccess.

May ilang online sellers na nagre-register sa BIR nang hindi pa talaga naiintindihan ang pagkakaiba ng VAT, Non-VAT, 8%,...
13/11/2026

May ilang online sellers na nagre-register sa BIR nang hindi pa talaga naiintindihan ang pagkakaiba ng VAT, Non-VAT, 8%, at Graduated Income Tax Rates.

Ang ending?

May mga taxpayers na nagugulat dahil may Percentage Tax pala silang kailangang i-file, habang ang iba naman ay hindi alam kung bakit hindi sila qualified sa 8% Income Tax Rate.

Kaya bago ka mag-register, may ilang bagay kang dapat maintindihan.

Una, VAT o NON-VAT ka ba?

Kung ang annual gross sales mo ay hindi lalampas sa ₱3 million, generally, maaari kang mag-register bilang Non-VAT taxpayer, subject sa applicable rules.

Pero kung lumampas ka sa VAT registration threshold, generally, required ka nang mag-register as VAT taxpayer.

At take note, may mga taxpayers din na maaaring mag-voluntarily register as VAT kahit below the threshold.

Pangalawa, kung Non-VAT ka, 8% ba o Graduated Income Tax Rates ang mas appropriate sa'yo?

Dito madalas nagkakaroon ng confusion.

Ang 8% ay Income Tax Rate option, hindi hiwalay na tax type.

Kung qualified ka at properly elected ang 8%, ang income tax mo ay generally based sa gross sales at applicable other non-operating income, subject sa rules sa ₱250,000 reduction.

At ang 8% ay kapalit na rin ng Percentage Tax under Section 116.

Pero kung Graduated Income Tax Rates naman ang applicable sa'yo, maaari kang gumamit ng allowable Itemized Deductions o Optional Standard Deduction (OSD), subject sa requirements.

At kung Non-VAT ka na subject sa Section 116 Percentage Tax, generally, may 3% Percentage Tax ka ring kailangang i-consider.

Halimbawa:

Isa kang online seller na may ₱1 million annual sales.

Pero malaki rin ang expenses mo dahil sa cost of products, packaging, platform fees, at iba pang business expenses.

Hindi ibig sabihin na dahil below ₱3 million ang sales mo, 8% na agad ang pinakamagandang option para sa'yo.

Kailangan mo munang ikumpara ang possible tax liability sa 8% at Graduated Income Tax Rates.

Dahil posibleng magkaiba ang magiging resulta depende sa actual financial situation mo.

Pangatlo, may iba ka pa bang applicable tax obligations?

Halimbawa, may employees ka ba? May payments ka ba sa suppliers o service providers na subject sa withholding tax?

Kailangan ding ma-assess kung may withholding tax obligations na dapat isama sa iyong BIR registration.

aya ito ang recommendation ko sa'yo:

Huwag kang basta pumili ng tax type o tax option dahil iyon ang ginagamit ng ibang online sellers.

Ang tamang BIR registration ay dapat nakabase sa nature ng negosyo mo, expected sales, business expenses, at applicable tax rules.

Kaya kung ikaw ay magreregister pa lang sa BIR, and saktong nabasa mo ito. Good news, dahil makakatulong ito sa'yo!

Kung mas gusto mo pang maintindihan ang business registration process meron kaming recorded lesson about na binibigay lang namin for free kapag nag-avail ka ng Q3 ITR Filing Training.

Bukod sa step-by-step computation at filing ng BIR Form 1701Q, magkakaroon ka rin ng additional lesson tungkol sa business registration para mas maintindihan ang mga requirements na dapat mong asikasuhin.

Comment "Access" para masend namin sayo ang complete details.

May mga BIR Form 2307 kang hindi na-claim nitong mga nakaraang quarter. Puwede bang sa ANNUAL ITR mo na lang ito i-claim...
13/11/2026

May mga BIR Form 2307 kang hindi na-claim nitong mga nakaraang quarter.
Puwede bang sa ANNUAL ITR mo na lang ito i-claim?

May ilang taxpayers na nakakatanggap ng BIR Form 2307
mula sa kanilang clients o customers, pero hindi nila ito naisasama
sa kanilang Quarterly Income Tax Return.

Minsan, late na naibibigay ng client ang 2307.

Minsan naman, hawak na nila ang document pero
nakalimutang isama sa tax computation.

Kaya ang tanong nila:

“Sir, sayang naman po yung withholding tax.
Puwede ko pa ba itong i-claim sa Annual ITR?”

Ang sagot, YES! Generally, puwede mo pa itong i-claim sa Annual Income Tax Return, provided na qualified at properly supported ang tax credit.

Pero may importanteng conditions na kailangan mong maintindihan.

Una, dapat covered ito ng parehong taxable year.

Halimbawa, may mga 2307 kang hindi na-claim noong Q1, Q2, at Q3 ng 2026.

Maaari mo pa itong isama sa computation ng iyong 2026 Annual ITR, subject to the applicable requirements.

Pero kung 2025 pa ang 2307 mo, hindi mo ito basta puwedeng isama bilang current-year withholding tax sa 2026 Annual ITR.

Pangalawa, dapat properly declared ang corresponding income.

Halimbawa, may ₱50,000 kang income mula sa isang client
at ₱2,500 ang creditable withholding tax na nakasaad sa iyong 2307.

Hindi puwedeng ₱2,500 lang ang gusto mong i-claim pero
hindi mo naman isinama ang corresponding ₱50,000 income sa iyong tax reporting.

Pangatlo, kailangan mong i-check ang Form 2307 at SAWT.

Dapat tama ang taxpayer information, withholding amount, at applicable period.

Kailangan ding maayos ang supporting documents
at applicable SAWT submission.

At siyempre, siguraduhin mong hindi mo pa na-claim
ang parehong withholding tax sa naunang returns para
maiwasan ang double claiming.

Kaya ito ang recommendation ko sa'yo:

Bago mo i-file ang Annual ITR, i-reconcile mo muna ang lahat ng
Form 2307 na natanggap mo mula January hanggang December.

I-compare mo ito sa iyong Quarterly ITR filings, income records,
at previously claimed tax credits.

Dahil posibleng may withholding tax credits ka pang
hindi nagagamit na maaaring makatulong para mabawasan
ang iyong final income tax payable.

At kung hindi ka pa confident kung paano mag-claim ng Form 2307
at mag-prepare ng SAWT, may available tayong Q3 ITR Filing Training Recordings!

Kasama sa training ang step-by-step discussion tungkol sa Form 2307,
SAWT preparation, tax credits, at computation at filing ng BIR Form 1701Q.

Kung gusto mo rin maaccess ang Annual ITR Filing Training
you can access also the recorded discussions.

So if you're interested na maaccess ang recorded discussions.

Comment "Access" para masend ko sayo ang complete details.

Ano ba ang pinagkaiba ng ONE PERSON CORPORATION at SOLE PROPRIETORSHIP? At alin ba talaga ang mas suitable para sa negos...
13/11/2026

Ano ba ang pinagkaiba ng ONE PERSON CORPORATION at SOLE PROPRIETORSHIP?

At alin ba talaga ang mas suitable para sa negosyo mo?

Pareho silang puwedeng magkaroon ng iisang owner. Pero pagdating sa registration, taxes, legal responsibilities, at compliance requirements, malaki ang pagkakaiba ng dalawa.

Kaya kung nagpaplano kang mag-register ng negosyo, importante na maintindihan mo muna ito bago mag-decide.

1. SOLE PROPRIETORSHIP

Ito ang isa sa pinakasimpleng business structures sa Pilipinas.

Kung sole proprietor ka, ikaw at ang negosyo mo ay hindi separate legal entities.

Ibig sabihin, ikaw mismo ang may-ari at personal na responsable sa mga obligasyon ng negosyo.

Halimbawa, nagkaroon ang negosyo mo ng utang na hindi kayang bayaran. Posibleng maging liable pati ang iyong personal assets, subject to applicable laws.

Sa registration naman, generally sa DTI nirerehistro ang iyong business name, bukod sa BIR at applicable LGU requirements.

Paano naman ang taxes?

Bilang individual taxpayer, maaari kang maging subject sa Graduated Income Tax Rates o mag-avail ng 8% Income Tax Rate kung qualified ka at properly elected ito.

2. ONE PERSON CORPORATION (OPC)

Ang OPC naman ay isang corporation na may iisang stockholder, na registered sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Unlike sole proprietorship, ang OPC ay may separate juridical personality mula sa kanyang owner.

Ibig sabihin, generally, ang liabilities ng corporation ay hindi automatic na personal liabilities ng stockholder.

Pero take note!

Hindi absolute ang limited liability protection. May mga circumstances na maaari pa ring magkaroon ng personal liability, gaya ng personal guarantees o misuse ng corporate structure.

At dahil corporation ito, may additional compliance requirements.

Kabilang dito ang appointment ng required corporate officers, nominee at alternate nominee, at applicable SEC reportorial requirements.

Paano naman ang taxes ng OPC?

Ang OPC ay subject sa Corporate Income Tax.

Generally, 20% para sa qualified small domestic corporations na pasok sa statutory income at asset thresholds, at 25% para sa iba pang domestic corporations.

Hindi applicable sa OPC ang 8% Income Tax Rate na available sa qualified individual taxpayers.

At kapag nag-distribute ng dividends ang corporation sa owner, maaari ring magkaroon ng separate dividend tax.

SO, ALIN ANG MAS SUITABLE PARA SA'YO?

Halimbawa, nagsisimula ka pa lang bilang online seller, maliit pa ang operations mo, at gusto mo ng relatively simpler registration at compliance process.

Maaaring mas practical sa situation mo ang Sole Proprietorship.

Pero kung lumalaki na ang business operations mo, may substantial business risks, o gusto mong magkaroon ng separate legal identity ang negosyo mo, maaaring worth considering ang One Person Corporation.

Pero hindi ibig sabihin na mas maganda agad ang OPC dahil limited liability, o mas maganda ang Sole Proprietorship dahil mas simple.

Kailangan mong iconsider ang:

Nature at risks ng iyong negosyo

Current at projected sales at profitability

Tax implications

Registration at annual compliance costs

Long-term business plans

Kasi posibleng makatipid ka sa isang aspect pero magkaroon naman ng additional costs at responsibilities sa iba.

KAYA ITO ANG RECOMMENDATION KO SA'YO:

Bago ka pumili ng business structure, alamin mo muna kung paano maaapektuhan ang iyong taxes, legal responsibilities, at compliance obligations.

At kung hindi ka sigurado kung alin ang mas appropriate sa current situation mo, puwede kang magpa-assess sa pamamagitan ng aming ONE-ON-ONE CONSULTATION.

Dito, maaari nating pag-usapan ang iyong business activities, expected income, tax implications, at registration considerations para magkaroon ka ng mas malinaw na basis sa iyong decision.

NAGPAPLANO KA BANG MAG-REGISTER NG NEGOSYO PERO HINDI MO ALAM KUNG SOLE PROPRIETORSHIP O OPC ANG PIPILIIN?

Comment “CONSULT” para masend ko sayo ang complete details.

2 DAYS TO GO! HINDI KA PA NAKAKAPAG-FILE NG Q3 ITR MO?WAG KANG MAG-PANIC! MAY APAT NA PARAAN PARA MATULUNGAN KA NG EC TA...
13/11/2026

2 DAYS TO GO! HINDI KA PA NAKAKAPAG-FILE NG Q3 ITR MO?

WAG KANG MAG-PANIC!

MAY APAT NA PARAAN PARA MATULUNGAN KA NG EC TAXPH!

Papalapit na ang deadline ng BIR Form 1701Q, at alam naming hindi pare-pareho ang sitwasyon ng bawat taxpayer.

May gustong matutong mag-file nang mag-isa. May sobrang busy sa negosyo. May marunong na pero kailangan lang ng clarification. At may gusto nang ipaubaya ang buong tax compliance sa professionals.

Kaya sa EC TAXPH, hindi iisa ang solution na ino-offer namin. Depende sa kailangan mo, may service na pwedeng bumagay sa'yo!

Option 1: Q3 ITR FILING RECORDED TRAINING

Para sa gustong matutong mag-file nang sarili nila.
Kung may sapat kang oras, patience, at laser focus para pag-aralan ang step-by-step process ng BIR Form 1701Q, this is for you!
Matututunan mo ang tax computation, filing, payment, Form 2307, SAWT, eAFS, at iba pang filing requirements.

OPTION 2: ONE-TIME TAX FILING

Para sa busy na taxpayer na gustong may mag-file para sa kanya ngayong quarter.
Wala ka nang oras para pag-aralan ang buong filing process?
Let our EC TAXPH Accounting Team handle your Q3 ITR Filing based on the information and documents you provide.

OPTION 3: ONE-ON-ONE TAX CONSULTATION

Para sa marunong nang mag-file pero may specific concerns na kailangan ng clarification.
Baka alam mo na ang basic filing process, pero may isang part na hindi ka sigurado.
Pwedeng tungkol sa tax computation, Form 2307, allowable deductions, BMBE, o iba pang BIR compliance concerns.
Instead na manghula, mas magandang may professional kang mapagtatanungan!

OPTION 4: MONTHLY RETAINER SERVICE

Para sa business owners at professionals na gustong may regular na humahawak ng kanilang tax compliance.
Kung ayaw mo nang paulit-ulit na mag-alala tuwing filing deadline, mas bagay sa'yo ang long-term accounting support.

Kaya kung kailangan mo ng assistance, mas magandang makipag-coordinate na habang may oras pang ma-review ang iyong requirements.

Kung interesado ka sa any of our service,
just comment "Deadline" para masend namin sayo ang complete details.

"Hindi lahat ng nagnenegosyo may alam sa accounting, bakit pahihirapan natin ang pagcocomply?"Ito yung isa sa mga proble...
12/11/2026

"Hindi lahat ng nagnenegosyo may alam sa accounting,
bakit pahihirapan natin ang pagcocomply?"

Ito yung isa sa mga problema
sa current system natin.

Yung mahirap na compliance
para sa mga nagsisimula at
maliliit na negosyante.

Hindi naman lahat ng negosyante
may background sa accounting.

May mga taong nagsimula
dahil gusto nilang kumita,
matustusan ang pamilya,
at magkaroon ng sariling kabuhayan.

Sila yung nagtitinda,
nag-aasikaso ng customers,
at minsan sila na rin
ang gumagawa ng lahat.

Kaya kapag dumating na
sa usapin ng tax compliance,
hindi lahat alam
kung saan magsisimula.

At ang mas mahirap,
kapag hindi nila naintindihan
ang proseso, may posibilidad
na magkamali at
madagdagan pa ang gastos.

Hindi naman ibig sabihin
na ayaw nilang sumunod
o magbayad ng buwis.

Minsan, hindi lang talaga
nila alam kung paano.

Kaya sana, habang hinihingi
natin sa mga negosyante
na maging compliant,
mas pagtuunan din natin
kung paano sila matutulungan
na maintindihan ang proseso.

Mas malinaw na instructions.
Mas madaling maintindihan na requirements.
Mas accessible na guidance
para sa mga first-timer.

Dahil ang layunin naman
ng tax compliance ay
masunod ang batas
at makapagbayad ng tama.

Kung mas simple ang proseso,
mas maraming negosyante
ang magkakaroon ng pagkakataong
sumunod nang tama
nang hindi nalulunod
sa kalituhan.

Hindi dapat maging hadlang
ang kakulangan sa accounting knowledge
para sa isang negosyanteng
gustong gawin ang tama.

P.S. For tax and bookkeeping updates
Join EC TAXPH Business Community
Sa loob pwede ka makaaccess sa trainings, tools and bookkeeping system.
Pagpasok mo sa group, click mo yung FEATURED POST.
Andun yung complete instructions kung paano ka makakaaccess.

Address

3rd Floor FOG Bldg. De Gala Corner Cabuñag Street, Brgy. Poblacion
Candelaria
4323

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when EC TAXPH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to EC TAXPH:

Shortcuts

Share

Nearby businesses