Ran Online Enthusiast

Call Directions

Ran Online Enthusiast RAN ONLINE ADVERTISING

Madness Ran Online
12/11/2026

Madness Ran Online

🔥 MADNESS RAN'S 1ST MONTHSARY GIFT! 🔥

Narito ang mga exclusive rewards na matatanggap ng lahat ng players na sasali sa ating 𝟭𝘀𝘁 𝗖𝗹𝘂𝗯 𝗪𝗮𝗿𝘀 𝗘𝘃𝗲𝗻𝘁: 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗𝗕𝗔𝗧𝗛 ngayong darating na 𝗦𝗮𝗯𝗮𝗱𝗼, 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲!

𝐓𝐀𝐊𝐄 𝐍𝐎𝐓𝐄: Ang mga rewards na ito ay ipapadala lamang sa mga participating players. Siguraduhing magamit ang mga items 𝘄𝗶𝘁𝗵𝗶𝗻 𝟮𝟰 𝗵𝗼𝘂𝗿𝘀 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗮𝗮𝗹𝗶𝘀𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝘀𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗿𝗮𝘀.

At dahil pagkatapos ng Club Wars ay magkakaroon tayo ng 𝟯 𝗛𝗢𝗨𝗥𝗦 𝘅𝟰 𝗕𝗧𝗚 𝗣𝗢𝗪𝗘𝗥 𝗛𝗢𝗨𝗥 𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧 (𝟵:𝟬𝟬 𝗣𝗠 – 𝟭𝟮:𝟬𝟬 𝗠𝗜𝗗𝗡𝗜𝗚𝗛𝗧), perfect opportunity ito para mag-level up at makahabol sa level cap!

⚠️ IMPORTANT REMINDER:

Pansamantala nating I-OFF ANG BTG MULA 7:00 PM HANGGANG 9:00 PM upang bigyang-daan ang preparation at mismong bakbakan sa ating 1st Club Wars Event! pinapayuhan ang lahat na iwasan mag suot ng exp items na tatama sa mga oras na ito upang hindi masayang ang inyong e-points.

Kaya siguraduhing makasali na sa inyong guild at ihanda ang buong tropa para muling maranasan ang classic Club Wars gameplay na inyong kinalakihan!

KITA-KITS SA BATTLEFIELD, MAD PEOPLE!

Madness Ran Online
03/11/2026

Madness Ran Online

Madness RAN Online | x3 POWER HOUR SCHEDULE!

Level up faster with our **x3 EXP Power Hour Event** happening from November 3–8!

⚡ Nov 3 | 8PM–11PM
⚡ Nov 4 | 7PM–10PM
⚡ Nov 5 | 8PM–11PM

NON-STOP x3 POWER HOUR!
November 6, 6PM until November 8, 11:59PM

Gather your party, prepare yourselves,

27/10/2026

Madness Ran Online

Madness Ran Online
18/10/2026

Madness Ran Online

BTG EXTENDED: THE TWIST

As promised, Madness never stops bringing surprises!

Due to the incredible support from our players, we're extending the BTG Event with a new twist!

Here's what's changing:

BTG Duration: 5 minutes → 10 minutes
Booster Duration: 40 minutes → 30 minutes

But there's a twist! This extension will only happen if this post reaches 50 LIKES!

Get your parties ready, rally your fellow players, and show your support!

Will we hit 50 likes and unlock the BTG extension?

Let the Madness Begin!

Madness Ran Online
18/10/2026

Madness Ran Online

Grabe naman kayo, literal na bawat kanto may party? 210 players LEONINE B3 MAP palang yan

Madness Ran Online
17/10/2026

Madness Ran Online

One of the unique features of Madness Ran Online is our FREE Permanent Training Rosary, available to everyone!

We know that training rosaries have always been a common concern among players. That's why we decided to make them permanently free.

Madness Ran Online
15/10/2026

Madness Ran Online

𝐅𝐎𝐔𝐑 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇𝐒 𝐈𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆. 𝐀𝐍𝐃 𝐓𝐎𝐌𝐎𝐑𝐑𝐎𝐖, 𝐀 𝐍𝐄𝐖 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐁𝐄𝐆𝐈𝐍𝐒

Halos apat na buwan na ang nakalipas mula nang simulan namin, kasama ang UA Developments, ang isang proyektong minsan ay tanong lamang sa aming isipan:

“𝑃𝑎𝑎𝑛𝑜 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑟𝑎𝑤, 𝑎𝑛𝑔 𝑅𝐴𝑁 𝑂𝑛𝑙𝑖𝑛𝑒 𝑛𝑎 𝑘𝑖𝑛𝑎𝑙𝑎𝑘𝑖ℎ𝑎𝑛 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛 𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑎𝑎𝑟𝑖 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑙𝑎𝑟𝑢𝑖𝑛 𝑘𝑎ℎ𝑖𝑡 𝑠𝑎𝑎𝑛, 𝑔𝑎𝑚𝑖𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑚𝑜𝑏𝑖𝑙𝑒 𝑑𝑒𝑣𝑖𝑐𝑒?”

Isang simpleng ideya na naging malaking hamon. At sa totoo lang, hindi naging madali ang paglalakbay na ito.

Hindi kami ang nauna pagdating sa ganito, pero masasabi kong iba ang kalidad ng Madness Ran Mobile

Dahil sa loob ng apat na buwan, naranasan namin ang halos lahat ng emosyon na maaari mong maramdaman habang binubuo ang isang bagay na hindi mo pa alam kung magiging matagumpay.

May mga gabing napalitan ng umaga sa kakahanap ng solusyon. May mga pagkakataong ang isang problemang akala namin ay nalutas na, ay sinusundan na naman ng panibagong problema. Dumating din sa puntong nakaramdam kami ng pagod, pagkadismaya, at pagdududa kung kakayanin pa ba namin.

Pero sa bawat problemang nalulutas, sa bawat bagong feature na gumagana, at sa bawat bagay na dati ay iniisip naming imposible, unti-unti naming nakikita kung bakit namin ito sinimulan.

At iyon ang dahilan kung bakit hindi kami tumigil.

Ngayon, “𝒏𝒂𝒏𝒅𝒊𝒕𝒐 𝒏𝒂 𝒕𝒂𝒚𝒐.”

Hindi ko sasabihing perpekto na ang Madness Ran. May mga error pa kaming kailangang ayusin, may mga sistemang dapat pang pagandahin, at may mga bagay pa kaming kailangang patunayan.

Pero isang bagay ang kaya kong sabihin nang buong kumpiyansa,

“𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐫𝐚𝐛𝐚𝐡𝐨 𝐬𝐚 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐫𝐯𝐞𝐫. 𝐒𝐚 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐝𝐨𝐨𝐧 𝐩𝐚 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐢𝐛𝐢𝐥𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐲𝐨.”

Hindi namin inaasahang makukuha agad ang tiwala ng lahat. Alam naming hindi sapat ang magagandang pangako, trailer, o announcement para patunayan ang kalidad ng isang server.

Ang tiwala ay hindi basta hinihingi. Pinaghihirapan at pinatutunayan yan sa paglipas ng panahon.

At yon mismo ang gusto naming gawin.

Bukas, muli kong inaanyayahan ang buong komunidad ng RAN Online. Classic players, Episode 7 veterans, Episode 11 players, at maging ang mga matagal nang tumigil sa paglalaro.

Anuman ang episode na kinalakihan ninyo, saan mang server kayo nanggaling, at gaano man katagal mula noong huli kayong naglaro, may lugar kayo rito.

Hindi namin layuning palitan ang mga alaalang nabuo ninyo sa RAN noon.

Ang gusto namin ay bigyan kayo ng pagkakataong makabuo ng panibagong mga alaala.

Mga bagong kaibigan. Bagong karibal. Mga laban na muling pag-uusapan. At mga kuwentong balang-araw, babalikan din natin.

Sa 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐞𝐤𝐬𝐚𝐤𝐭𝐨𝐧𝐠 𝟖:𝟎𝟎 𝐏𝐌 (𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐓𝐢𝐦𝐞), opisyal naming bubuksan ang Madness Ran para sa lahat.

Hindi ko alam kung ilan ang sasama sa amin. Maaaring libo-libo, maaaring daan-daan, o maaaring iilan lamang.

Pero para sa akin, hindi lamang sa dami ng players nasusukat ang tagumpay ng isang server.

Mas mahalaga kung ilan ang mananatili dahil masaya sila, dahil nararamdaman nilang pinakikinggan sila

Kaya gaano man tayo karami sa unang araw, asahan ninyong ibibigay ko, ng UA Developments, at ng buong Madness Ran Team ang aming makakaya upang makabuo ng isang server na karapat-dapat sa inyong oras at tiwala.

“𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐨 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐲𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐡𝐲𝐩𝐞, 𝐚𝐭 𝐥𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐨 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐢𝐫𝐚 𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠𝐚𝐭. 𝐒𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐛𝐞𝐭𝐚 𝐭𝐞𝐬𝐭 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧”

-𝙑𝙞𝙣𝙘𝙚 𝙊𝙘𝙩𝒂𝙫𝙞𝙤

LET THE MADNESS BEGIN…

Madness Ran Online
13/10/2026

Madness Ran Online

🔥 ₱200,000 IN PURE CASH REWARDS! 🔥

The race is about to begin!

Get ready for the FIRST-EVER CAP RACE EVENT of Madness Ran Online, featuring a massive ₱200,000 cash prize pool!

Stay tuned as we reveal the complete rules and mechanics tomorrow afternoon!

The time to prepare is NOW! Gather your strongest allies, build your ultimate party, and get ready to push yourselves to the limit.

Your strength, determination, teamwork, and endurance will once again be put to the test.

The question is… DO YOU HAVE WHAT IT TAKES TO CONQUER OUR VERY FIRST CHALLENGE?

THE RACE IS ON. LET THE MADNESS BEGIN!

Address

Quezon City
1118

Telephone

9179747918

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ran Online Enthusiast posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby businesses